THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, December 20, 2008

INTERFAITH RALLY KONTRA “CHACHA”

Nagkaisa ang higit sa 20,000 katao sa isinagawang Interfaith Rally kahapon sa Ayala Avenue, Makati upang labanan at patayin ang plano ng rehimen ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na Charter Change(ChaCha) na umano’y naglalayon na palawigin pa ang termino ng mga opisyales.

Nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon na dinaluhan ng mga political at religious leaders gayundin ng business sectors na may layunin na patalsikin si Arroyo at ibasura ang planong "ChaCha."

Inilarawan ng anti-chacha rally sa Makati City kahapon na gising at mulat na ang mga tao sa pananamantala ng gobyerno ni Arroyo at hindi na papayagan ang pananamamtalang ito sa kanila. Pinatunayan at pinanindigan ng taumbayan ang kanilang pagiging buo upang tutulan ang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas at tuluyan ng patalsikin ang manhid na si Gloria at kanyang mga alipores.

Eksaktong als-kuwatro ng hapon nang sunud-sunod na dumating ang ilang kilalang mga personalidad na sina Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna Partylist, Makati Mayor Jejomar Binay, Jun Lozada, Joey De Venecia, Former Vice President Teofisto Guingona, dating Senador Franklin Drilon at Ernesto Maceda. At gayundin ang pagdating ng halos lahat ng mga senador sa nasbing interfaith Rally na pinangunahan ng mga presidentiables na sina Senador Panfilo Lacson, Mar Roxas, Francis Escudero, at Loren Legarda sa may istatwa ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa may panulukan ng Ayala Ave., at Paseo De Roxas, Makati kung saan itinayo ang isang entablado para sa naturang pagtitipon.

Sa hanay naman ng mga Militanteng grupo, nangunguna ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa pamumuno ni Rep. Satur Ocampo; AnakPawis na kinatawan ni Rep. Rafael Mariano; Gabriela na kinatawan ni Liza Maza; at maging ang mga estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan at unibersidad.

2 comments:

dannyboy said...

first paraga: NAGLALAYUONG not naglalayon.
2.anf--ANG
3.mkati-MAKATI
4.gobyerno ni--GOBYERNONG and papayagan-PAYAGAN, kanhyang-KANYANG
5.AH BASTA TYPO ERROR LANG ITO GANDA NG PAGHKAKASULAT CONGRATS NEXT TIME DO IT IN ENGLISH MOTHER DEAR HEHEHE.
CHEERS!

dannyboy said...

PERO ASAN ANG PHOTO NITO